Bilang isang tagahanga ni Mr.Richard Yap marami akong karanasang di malilimutan at karanasang nakakatawa.
Kagaya nalang sa paaralan at bahay.Unahin muna natin ang school,tuwing nagkaklase kami at tuwing may recitation di pepwedeng di kasali sa sagot ko ang pangalang Richard yap at Ser chief, ewan ko ba kung bakit,siguro dahil ang pangalang Richard Yap ang unang papasok sa isip ko at magbibigay ng lakas ng loob sa akin na magtaas ng kamay upang sumagot.Tuwing tinatamad naman akong makinig at mag-aral,bigla nalang papasok sa isip ko ang mga katagang "Study hard and Good luck!"ang kauna-unahang tweet sa akin ng mahal kong IDOLONG si Richard Yap. Sa oras na pumasok na ang mga katagang iyon sa isip ko ay parang bigla nalang akong magigising at sisiglang mag-aral.Tuwing may Quiz at Test naman,titngnan ko ang ang pictures ni idol Richard Yap at parang magic na lalabas sa mga mata at ngiti niya ang mga sagot.Syempre mayroon din akong Lucky Charm,isang notebook na puro pictures ni idol Richard Yap ang nakalagay.Palaging nasa bag ko lang iyon dahil pakiramdam ko na pag nasa bag ko iyon ay kasama ko narin si idol Richard Yap.
Ang hirap palang maadik,pero masaya at nakakainspired.Kakaiba din ang dulot nito sa akin dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya mula ng makilala ko si idol Richard Yap.Ngayon lang din ako nag-aral ng napakabuti,para lang makapasa sa mga exam,buti na lang nagbunga lahat ng paghihirap ko.Nakapasa ako sa exam at mataas na score pa ang nakuha ko naka 93/95 ako.Ang taas diba?pero lahat ng yan dahil kay Idol Richard Yap,para icongratz niya ako.Syempre itinweet ko yun sa kanya,at kinongcgratz nga nya ako.Ang bait bait talaga ni idol may time parin siya sa mga fans niya kahit busy siya.
Dahil din kay idol,nakilala ko ang mga BFF ko sa twitter na sila Rachele Ann Menguito ,genalie santos ,Romana Ramos ,at Kat dela Cruz.Lahat sila pati ako umiikot ang mundo,parang SOLAR SYSTEM,si idol Richard Yap ang SUN at kami ang mga PLANETS.Lahat naman tayo di mabubuhay kung walang sun,parang ganun narin ako di kumpleto ang araw ko pagdi ko napapanuod ang BCWMH at nakikita si SER CHEF.Kung minsan nga sa school nagsasakitan ako ng ulo at tiyan,minsan kunyari nilalagnat,para pauwiin ng maaga 12;00 kasi uwian namin eh 11;45 BCWMH kaya ginagawa ko iyon.syempre yung mga classmate ko kakuntyaba ko alam nilang adik ako eh..saka ako narin ang nagsisilbing tagakwento sa kanila ng episode.Kapit bisig sa kilig pati si ma'am nakikisali sa kwentuhan,nahawa na yata sakin!!.Si idol Richard Yap din ang kahinaan ko,dahil tuwing may activity kami, ako ung gumagawa ng activity ng mga classmate ko,kapalit ng picture ni SER CHIEF at video ng BCWMH. Di ko naman matangihan at picture na iyon,kaya nagtitiis akong gumawa.Dahil din sa kaadikan ko kay Mr.Richard YAp,tinutukso ako ng mga classmate ko,dami pa tawag nila sakin may Mrs.LIm,SEr Shep,Shep Girl at umuorder pa sila sa akin ng chowking chow fan.kaloka!!
Sa bahay naman tayo tumungo,tuwing gabi naman,nagpupuyat ako para lang abangan ang commercial ng BCWMH.Dahil nag cocommercial ang BCWMH tuwing ikatlong commercial ng Missing You,at inaabangan ko pa yun makita ko lang si SER CHIEF at pagnakita ko na yun,makakatulog na ako...parang mission accomplished.!! Eto naman ang pinaka di ko malilimutang pangyayari bilang isang adik.Dahil sa kaaapura kong umuwi ng bahay dahil BCWMH na nga,ayun nadapa at di lang basta dapa dahil tumama ung ilong ko sa bato at dumugo.!!Dahil BCWMH na nga tuloy tayo ako,sabay takbo parin, buti nalang naabutan ko,,kahit duguan ang mukha ko..masayang masaya akong nanunuod parang walang nangyari,,tapus biglang nagcommercial saka ko palang naramdaman ang sakit..saka palang ako umiyak!!takot kasi ako sa dugo eh..Minsan naman umuwi ako ng maaga dahil First kiss ni SER CHIEF AT MAYA,,tapus nagkaroon ng technical problem!!kaloka!!halos umabsent na ako at halos sirain ko na rin ung t.v..dahil akala ko yun ang may problema..
Siguro kung totoo yung nasasamid pag pinaguusapan,,miyat miya nasasamid si SER CHIEF ,,kawawa naman.Sayang nga eh di ko pa siya nakikita ng personal,ayy..nakita ko na pala sa panaginip gabi gabi kasi nandun sya..doon na nga yata siya naktira eh..Pero pag nagconcert siya sa Araneta karakaraka pupunta ako dun...!!
RICHARD YAP sa ARANETA...!!!